Quantcast
Channel: Pilipinas » city
Viewing all articles
Browse latest Browse all 2

Oasis sa Hong Kong

$
0
0

 

Isa ito sa mga dinaraanan ko papunta sa trabaho nung nasa Hong Kong ako nang isang linggo.

 

 

 

 

Itong tinatawag na “central oasis” ay daluyan ng mga tao, karamihan papunta at pauwi mula sa trabaho.

 

 

Pintado ang mga dingding ng makukulay na larawang pambata.

 

 

May mga imahen ng mga puno, mga hayop, at mga taong tila matiwasay ang pamumuhay.

 

 

Kahit mga poste mayroong disenyo.

 

 

Mayroon pang mga buhay na halaman.

 

 

 

 

Parang ang sarap tumigil muna sa karaniwang mabilis na paglalakad para umupo sandali.

 

 

Pero ang higit na mahalagang pakay ng Central Oasis ay ang pagpapaalam sa mga mamamayan ng Hong Kong (at pati na rin sa mga bisita tulad ko) tungkol sa mga hakbang ng gobyerno sa pananatiling buhay at kapaki-pakinabang ang kalikasan sa kapaligiran. Isa na rito ang pagtataguyod ng sustainable na sistema para sa sariwang tubig.

 

 

May mga dioramang nagpapakita ng laman ng mga planta.

 

 

Ang daluyan ng sariwang tubig.

 

 

 

 

Detalyadong nakalahad ang kabuuang sistema ng pagpapalakad.

 

 

Kasama na rito ang maayos na pagtapon ng maduming tubig mula sa mga tahanan.

 

 

Kung paano nililinis ang tubig na resulta ng mga proseso ng pabrika.

 

 

Ang pagdaloy ng tubig tungo sa mga sakahan.

 

 

Ang pagtanggal ng asin sa tubig-dagat para maaaring inumin.

 

 

Inilalahad sa kabuuan ang mga problema pagdating sa tubig ng Hong Kong at Shenzhen.

 

 

Ang susunod namang paksa ng Central Oasis ay ang mga daungan.

 

 

Isa sa pinaka malaking daanan ng kalakal sa Asya ang Hong Kong at Shenzhen.

 

 

(May diagram din para dito.)

 

 

Pinapakita sa mapa ang ugnayan ng mga daungan ng daigdig.

 

 

Tinatalakay ang pinaka mainam na paraan sa pagpapatakbo ng mga daungan.

 

 

Pinag-uusapan din ang climate change kaugnay dito.

 

 

 

 

Inilalarawan ang mga pagbabagong napapansin sa mga ilog at wawa.

 

 

Mahalaga ito kaugnay ng maaaring idulot na baha.

 

 

Di lang ilog ang pinag-uusapan, pati rin dalampasigan.

 

 

Itinatanong kung dulot ba ng climate change ang pagbago ng hanggahan ng look.

 

 

Inilalarawn kung paano mareremedyuhan ang mga dulot na suliranin ng pagbabago ng klima.

 

 

 

 

 

 

Di ko akalain na sa ilang metro ng daanan, ganun karami ang aking matututuhan. Sana lang, dumami ang mga siyudad, gobyerno, at bansa na sumapuso sa mga serysong suliraning kakaharapin ng mga siyudad at lipunan dahil sa mga pagbabagong nagaganap sa kalikasan.

 

El Bosquejo


Viewing all articles
Browse latest Browse all 2

Trending Articles


AKLAT SECRETO NG KABALISTICO


Pag-aalaga ng aso at pusa, nilimitahan sa 4


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


Angel Locsin, tagumpay sa spine injury operation


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Kwon Eun-bi, dumating na sa bansa para sa Asia Artist Awards 2023!


Tula para sa mga Dalaga


Halimbawa ng Tula na may Sukat at Tugma


Tula Tungkol sa Pangarap


Maganda Pa Ang Daigdig


27 KAPANGYARIHAN NG VERDACABALA


NILILIMI


11 pasahero, nailigtas sa lumubog na barko


Baby nasamid, patay


KUMILOS, MAGTULUNGAN LABAN SA DENGUE


Tagalog na Tula Tungkol sa Relihiyon


Halimbawa ng Malayang Taludturan


Tula Tungkol sa Bagyo


Example ng Tula Tungkol sa Pulitika sa Pilipinas


Ibong Adarna Script